KABABAIHAN NG SAN FERNANDO, MAKULAY NA IPINAGDIWANG SA WOMEN’S MONTH KICK-OFF ACTIVITY

Pinangunahan ng City Government of San Fernando, La Union, sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Office, ang pag-umpisa ng mga aktibidad para sa 2025 National Women’s Month nitong umaga, Marso 3, 2025.

“When we empower women, we empower homes. [When] we empower homes, we empower communities. [When] we empower communities, we empower the City of San Fernando,” pagbabahagi ni City Mayor Hermenegildo “Dong” A. Gualberto.

Binigyang-diin din ni Manong Dong na marami ang maaaring maging kontribusyon ng kababaihan sa komunidad at malaki ang naging parte ng kababaihan sa pagbuo ng kung ano ang siyudad sa kasalukuyan.

“Kahit [na kasi] paulit-ulit nating sabihin or paulit-ulit nating i-remind na ‘yong mga laban natin sa violence against women and children (VAWC) …kung hindi naman natin gagawin, walang mangyayari. So, we need to start within ourselves,” hatid namang mensahe ni City Councilor Hon. Lucia Esperanza “Luzan” O. Valero.

Nakisaya rin sa kick-off activity ang ilan pa sa mga konsehal ng siyudad na sina Hon. Pablo C. Ortega, Hon. Jonathan Justo A. Orros, at Hon. Dr. Quintin L. Balcita, Jr; at mga uniformed personnel mula sa Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, at Philippine Navy. Kasama rin sa programa ang mga VAWC Desks officers ng siyudad at mga kinatawan ng Rotary Club of Metro San Fernando LU.

Samantala, hinarana at namigay ng mga rosas sa mga kababaihang dumalo sa aktibidad ang mga kawani ng Office for Public Safety.

Makiisa sa ating pagdiriwang, ipagmalaki ang bawat kababaihan, at sama-sama nating labanan at tapusin ang VAWC para sa ating #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo!

OTHER NEWS

Loading

Accessibility